Naghahanda na ang lalawigan ng Pampanga dahil sa inaasahang pagbaha pa sa susunod na dalawang araw.
Ito ay dahil sa inaasahang pagsalo ng Pampanga sa tubig na manggagaling sa Nueva Ecija.
Ilang lugar sa Pampanga ang nagsisilbing catch basins ng tubig na patungong Manila Bay.
Mahigpit pa ring mino-monitor ng mga otoridad ang mga flood-prone areas sa Pampanga tulad ng Macabebe, Masantol at Apalit.
Inaasahan din ang pag-apaw ng Pampanga River subalit hindi na nagsagawa ng emergency evacuation ng mga residente dahil sa pre-emptive evacuation efforts.
Hindi na bumaba ang baha sa ilang lugar sa Pampanga simula noong Bagyong Pepito na ika-16 na bagyong pumasok sa bansa sa taong ito at ikatlong bagyong pumasok sa buwan ng Oktubre.