Balik na ang mga biyahe ng eroplano ngayong araw na ito.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), may 126 commercial flights na ang inaasahang lalarga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw na ito.
Ipinabatid ng miaa ang 22 biyahe ng eroplano ang naka-schedule na commercial flights sa terminal 1, 2 at 3 ng NAIA.
Gayunman, sinabi ng MIAA na maaari pang magkaroon ng pagbabago sa mga scheduled flights kaya’t mabuting tumawag muna sa airline kung nakaschedule ang biyahe ngayong araw na ito.