Umabot na sa mahigit P5-B ang naitalang halaga na nawasak sa pasilidad at kagamitan ng Department of Education (DepEd) dahil sa bagyong Rolly at Ulysses.
Ayon sa naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng nagkakahalagang aabot sa P4.8-B ang nawasak sa Rolly at P800-M naman ang halagang naitala sa bagyong Ulysses.
Kabilang sa mga nawasak ay ang mga school buildings, libraries, gadgets at iba pang kagamitan sa paaralan ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.
Gayunpaman, patuloy pang biniberipika ng DepEd ang mga naturang bilang.