Nagdeklara na rin ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ayon kay Isabela Governor Rodito Albano, ito ay bunsod na rin ng matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Ulysses sa kanilang lalawigan.
Ani Albano, 10 bayan sa unang distrito ng Isabela ang nalubog sa baha na may taas na umaabot hanggang sa bubong ng mga kabahayan.
Sinabi ni Albano, maging kanilang mga evacuation centers ay apektado rin ng pagbaha.
Aminado naman ang gobernador na hindi gaanong nakapaghanda ang mga residente dahil hindi rin nila inaasahan ang malaking daloy ng tubig mula sa Cagayan river.