Mahigpit na pinababantayan ng Malakaniyang sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-iral ng price freeze sa mga lugar na isinailalim na sa state of calamity.
Ito’y bunsod pa rin ng matinding epektong dulot ng nagdaang bagyong Ulysses sa mga sektor ng kabuhayan, agrikultura gayundin sa imprastraktura.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat gumalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Kabilang sa mga ito ang Isabela, Batangas, Cavite, Mindoro, Catanduanes, Palawan, Camarines Provinces gayundin sa lungsod ng Marikina.
Sa ilalim ng batas, epektibo ang price freeze 60 araw mula nang ideklara sa isang bayan, lungsod o lalawigan ang state of calamity.