Nabulaga ang mga taga lalawigan ng Cagayan at Isabela dahil sa biglaang pagbaha dulot ng pag-apaw ng Cagayan River.
Ito’y bunsod ng pagbaba ng tubig mula sa mga bundok mula nang manalasa ang bagyong Ulysses na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam.
Dahil dito, halos sumampa na sa bubungan ng mga kabahayan ang tubig baha partikular na sa Tuguegarao City at 24 na bayan sa Cagayan gayundin sa mga lugar sa Isabela na nasa tabing ilog.
Kaugnay nito, agad nakipag-ugnayan si Vice President Leni Robredo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagkakasa ng search and rescue operations sa mga nabanggit na mga lugar.