Pumalo na sa 406,337 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,650 na bagong kumpirmadong kaso.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng DOH, binanggit na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ang Laguna na 84; Davao City na 81; Cavite na 73; Quezon na 71, at Rizal na may 64 na bagong confirmed infections.
Umakyat naman sa 363,068 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit kasunod ng paggaling ng 194 na pasyente.
Dahil dito, nasa 35,478 na lamang ang active cases sa kasalukuyan.
Samantala, 39 pang COVID-19 patients ang pumanaw dahilan upang umakyat na sa 7,791 ang death toll sa buong bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,650 ngayong Sabado, Nobyembre 14.
Pumalo na sa kabuuang 406,337 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 35,478 naitalang active cases. https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Yf0XACBoYF
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 14, 2020