Isa pang mega quarantine facility ang pinasinayaan ng national government para sa mga coronavirus patients sa Barangay Mapagong, Calamba, Laguna.
Mismong ang mga opisyal ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang nanguna sa pagbubukas ng 550-bed quarantine center na siyang magsisilbing isolation capacity ng mga pasyente sa Region 4-A (CALABARZON).
Sinasabing ang nabanggit na pasilidad ay nagkakahalaga ng P50-milyong kung saan kumpleto ito sa amenities, kabilang ang libreng
Wi-fi at CCTV cameras.
Kasama rin dito ang sleeping quarters o tulugan ng mga healthcare workers.