Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang price freeze sa LPG at kerosene products sa loob ng 15 araw sa lunsod ng Marikina at mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, at Aurora dahil sa pananalasa ni typhoon Ulysses.
Ayon sa DOE, kasabay ng price freeze ang pagpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong ito, habang mahigpit namang ipinagbabawal ang anumang pagtataas ng presyo sa loob ng 15 araw.
Ipinatupad ang price freeze sa Marikina at lalawigan ng Isabela noong November 13 at magtatapos sa November 27.
Habang epektibo ang price freeze sa Cagayan at Aurora mula November 14 hanggang November 28.