Apektado na ng El Niño phenomenon ang produksyon ng asukal sa bansa.
Batay sa pagtaya ng Sugar Regulatory Commission o SRA, nasa lima hanggang 10 porsyento ang ibinaba ng produksyon ng asukal kung saan kakaunti lamang ang pumapasok na tubo sa sugar central at refinery.
Dahil dito, maraming sugar planters ang nagrereklamong humina ang kanilang kita ngayong milling season.
Hinimok naman ng SRA ang mga may taniman ng tubo na gumawa ng mabababaw na balon upang may maipandilig sa kanilang mga pananim sa harap ng nararanasang El Niño.
By Ralph Obina