Nasa Cagayan na si Vice President Leni Robredo para tignan ang sitwasyon sa lalawigan kasunod ng malawakang pagbaha doon.
Batay sa tweet ni Robredo, dumating siya sa Cagayan kaninang umaga kasama ang kanyang mga staff at ilang mga relief supplies.
Ayon kay Robredo, marami pa ring lugar sa lalawigan ang nananatiling lubog sa baha bagama’t unti-unti na itong bumababa.
Dagdag ni Robredo, hindi na rin gaanong kalala ang sitwasyon sa Cagayan kumpara noong mga nakaraang araw.