Kinalampag ni Senador Panfilo Lacson ang kamara dahil sa hindi patas na hatian ng alokasyon ng pondo.
Ito’y para sa mga infrastructure projects na nakalaan sa bawat congressional districts sa ilalim ng 2021 national budget.
Ayon kay Lacson, kitang-kita ang malaking deprensya sa laki ng budget ng ilang distrito habang kakaunti naman sa iba lalo na iyong mga sinalanta ng nagdaang kalamidad.
Kaya nga paulit-ulit ‘yung.. Ngayon pinapakuha ko ‘yung historical data ng mga distrito kung magkano ang nakukuha nila taon-taon simula 2016. Baka apaw-apaw ‘yung pondo sa kanila tapos ‘yung ibang distrito naman halos walang nakukuha. Parang ang approach ay general tska wholesale at hindi lang tayo namimili. Nagkataon lang ang naque-question natin ‘yung mga mga malalaking pondo. Statement of fact ito at walang personalan. ani Lacson
Ayon pa kay Lacson, sa laki ng natanggap na budget ng ilang mambabatas na nasa honor roll, aminado itong nagdududa rin siya kung maipatutupad ba ang bilyong pisong halaga ng mga proyekto.
Ako naman consistent ako all these years. Hindi naman ako pitong taon nag-kwestiyon, wala pa nga ‘yung mga ibang kasamahan namin Senado kinukuwestiyon ko na iyan. Ako nga ‘yung kaunang-una kumwestiyon sa pork barrel. 10 years before bago lumabas ‘yang circo controlling nag-privilege na ako diyan. Alam ko kasi papaano aaksaya ang pera ng bayan sa kalokohan. ani Lacson sa panayam ng Usapang Senado