Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) -CALABARZON laban sa paggamit ng generator sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo, ito’y maaaring magdulot ng carbon monoxide poisoning na maaaring ikamatay ng biktima sa loob lamang ng ilang minuto.
Ginawa ni Janairo ang pahayag matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa nangyaring insidente sa lalawigan ng Rizal dahil sa umano’y paggamit ng generator.
Kung gagamit aniya ng back-up generator, dapat ay 20 metro ang layo nito mula sa bahay.
Bukod dito, pinayuhan din ni Janairo ang publiko na huwag gawing portable aircon room ang sasakyan dahil mapanganib rin ito sa kalusugan at posible ring magdulot ng carbon monoxide poisoning.