Bibisita sa bansa sina Japanese Emperor Akihito at asawa nitong si Empress Michiko para sa isang state visit sa susunod na taon.
Ito ay kanilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ngayon pa lang ay nagsisimula na ang pamahalaan na paghandaan ang naturang pagbisita.
Pag nagkataon, ito ang unang beses na bibisita sa Pilipinas ang emperador at emperatris ng Japan.
Matatandaang ipinaabot ng Pangulo ang imbitasyon sa emperador at misis nito nang magtungong Tokyo ang Punong Ehekutibo kung saan ay ginawaran pa ito ng Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum.
By Ralph Obina