Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag gumamit ng generator sets sa loob ng bahay at iba pang masisikip na lugar kapag brown out.
Ayon sa DOH, maaaring magdulot ng pang-matagalang epekto sa kalusugan ang carbon monoxide na isang uri ng colorless at odorless gas.
Hinimok ng DOH ang mga nagmamay-ari ng generator sets na tiyaking gumagana at maayos ang exhaust system o vent ng generator bago gamitin.
Sinabi ng DOH na dapat ding sundin ang safety instructions at laging isailalim ang generators sa maintenance.
Pinayuhan ng ahensya ang mga nakakaranas ng hilo, sakit sa ulo, hirap sa paghinga, pagkalito at pagsusuka habang expose sa generator sets na kaagad magtungo sa pinakamalapit na ospital.
Hinikayat din ng DOH ang mga nagmamay ari ng generator sets na tiyaking gumagana at maayos ang exhaust system o vent ng generator bago gamitin.