Operational na muli simula ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Nobyembre, ang lahat ng drive-thru at walk-in coronavirus disease 2019 (COVID-19) serology testing centers sa lungsod ng Maynila.
Matapos isara dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, maaari na muling ma-access ng publiko ang walk-in testing centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila.
Bukas na rin ang drive-thru testing center sa Quirino Grandstand.
Samantala, tuluy-tuloy din ang paglulunsad ng libreng swab testing ng lungsod ng Maynila para sa market vendors, hotel employees, health workers at public transport drivers.