“We wish him well”.
Ito ang naging tugon ng Palasyo makaraang magbitiw si dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang bahagi at opisyal ng PDP-Laban—na partido na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, personal ang naging desisyon ni Alvarez.
Dagdag pa ni Roque, sinabi ni Alvarez na nais na muna niyang tutukan ang voter’s education.
Paliwanag ni Roque, hindi naman makatututok sa naturang plano si Alvarez kung patuloy itong magiging kabahagi ng partido.