Nanawagan ang Palasyo sa publiko na ‘wag nang punahin pa ang naging biro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawa nitong situation briefing hinggil sa Bagyong Ulysses sa CamSur.
Mababatid sa naturang briefing ng pangulo, biniro nito ang kanyang kaklase na si Undersecretary Marvel Clavecilla na tumatanda na ito dahil sa sobrang pambababae nito.
Tugon dito ni Clavecilla, dapat na itong gawing ‘secretary’.
Dipensa rito ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, gusto lang ng pangulo na pagaanin ang ‘mood’ ng mga taga-Bicol, lalo’t walang ibang nakita ang pangulo kung hindi ang tindi ng pananalasa ng kalamidad makaraang mag-aerial inspection ito.
Pagdidiin pa ni Roque, nasa personalidad na ng pangulo ang pagiging palabiro nito.