Pormal nang nagretiro ngayong araw si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent VAdm. Allan Ferdinand Cusi kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan.
Dahil dito, pormal nang isinalin ni VAdm. Cusi ang kaniyang tungkulin kay MGen. Ferdinand Cartujano na dati na ring naglingkod sa PMA bilang Assistant Superintendent.
Bago umupo bilang PMA Superintendent, nagsilbi muna si Cortujano bilang Commander ng Education, Training and Doctrine Command ng Philippine Air Force na nakabase sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas.
Si Cartujano ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988 at nagtapos sa Philippine Air Force Flying School nuong taong 1990 at may 2 post graduate degree na Masters in Defense Studies sa University of Canberra sa Australia at Masters in Business Economics sa Univeristy of Asia and the Pacific.
Kabilang din sa mga hinawakang puwesto ni Cortujano sa AFP ay Chief of Academy Staff ng PMA, Deputy Wing Commander ng 600th Air Base Wing sa Clark; Chief of Division Staff ng 1st Air Division; Air Force Adjutant at Group Commander ng 505th Search and Rescue Group ng Air Force.
Tumanggap din si Cartujano ng 36 na Military merit medals at citations kabilang ang Distinguished Service Star Awards at Gold Cross Medal for gallantry in action.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Cartujano na sa ilalaim ng kanyang pamunuan ay sisikapin niyang magkaroon ng ligtas at produktibong panahon sa PMA ang lahat ng kadete at mahuhubog sa kanila ang Character, Competence at Commitment. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)