Pumalo na sa P2-bilyong ang kabuuang halaga ng pinsala sa Bicol region dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Office of Civil Defense (OCD 5), pumalo sa higit P96-milyong ang naitalang pinsala sa agrikultura, 119-milyon sa irrigation systems, higit P1.9-bilyong naman sa imprastraktura, at P294-milyong sa sektor ng edukasyon.
Limampung libo walong daan siyamnapu’t dalawa (50,892) na mga pamilya o 188,637 na mga indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses na pawang mga nawalan ng bahay o anumang ari-arian.
Paliwanag ng mga opisyal ng OCD sa Region 5, higit P15-milyong na ang naipabot na tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.