Pumalo na sa 409,574 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,738 na mga bagong kaso ng virus.
Apatnapu’t lima (45) naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling o nakarekober na sa virus, kaya’t umakyat na ito sa 374,366.
7,839 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19, makaraang madagdagan ito ng pito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,738 ngayong Lunes, Nobyembre 16.
Pumalo na sa kabuuang 409,574 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,369 naitalang active cases. https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/eWYMdDy65C
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 16, 2020