Makakabiyahe na simula bukas, ika-18 ng Nobyembre, ang mahigit 1,000 traditional jeep sa walong bubuksang ruta sa Metro Manila.
Kabilang sa ilalargang mga ruta ang mga sumusunod:
- T181 Evergreen Subdivision – Bagong Silang/Evergreen Subdivision – Philcoa
- T3189 MCU – Recto via F. Huetias, Oroquieta
- T3190 Pier South – Project 6 via España
- T3191 Pier South – Project 8 via Quezon Ave.
- T3192 Project 6 – T.M. Kalaw via Quezon Ave.
- T3193 Project6-Vito Cruz via Quezon Ave.
- T3194 Project 8 – Quiapo via Roosevelt Ave.
- T3195 Project 8 – T.M. Kalaw via Quezon Ave.
Maaaring bumiyahe ang mga ‘roadworthy’ PUVs na mayroong valid at existing certificate of public convenience o application for extension of validity at kinakailangang nakarehistro sa personal passenger insurance policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa memorandum circular.