Pursigido si Sen. Panfilo Lacson na tanggalin sa panukalang Pambansang Pondo para sa 2021 ang mga tinukoy niyang skeleton at corrupt – hidden multi-purpose building projects na una nang inaprubahan ng kamara
Ito’y ayon kay Lacson ay para ilipat na lamag ang nasabing pondo para sa muling pagbangon ng mga Local Government Unit na pinaka-naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ulysses na nagkakahalaga ng 20 bilyong piso
Ayon kay Lacson, tama lang na gawin ang realignment dahil nagawa na ang National Expenditure Program bago pa man manalasa ang mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses na siyang nagdulot ng matinding pinsala sa maraming bayan at lalawigan sa bansa partikular na sa Luzon at Visayas
“local multi-purpose buildings (MPBs), which have a proposed appropriation of P68B for 2021, are merely duplications of programs not to mention those projects being convenient sources of corruption. if we augment the appropriations for local government units especially those hit by the typhoons, then they could very well rehabilitate and recover”giit ni Lacson.
Samantala, iminungkahi rin naman ni Lacson na mailipat sa National Broadband Program ng Department of Information and Comunications Technology ang nalalabing pondo mula sa 68 bilyong pisong kuwesyunableng pondo
Una nang binatikos ni Lacson ang aniya’y hindi patas at hindi tamang alokasyon ng pondo sa ilang mga distrito sa bansa upang pondohan ang ilang infrastructure projects na aniya’y hindi naman kailangan