Nagsanib-puwersa ang Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF para maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Naglabas ng joint statement sina MILF Chair Murad Ebrahim at MNLF Council of 15 Chairman Muslimin Sema sa isang pagpupulong na ginanap sa Camp Darapanan sa Maguindanao.
Ang joint statement ay naglalaman ng kanilang paninindigang magkaisa sa pagtutol na maisabatas ang umano’y diluted version ng BBL.
Hindi anila ito katanggap-tanggap dahil ang nasabing bersyon ng BBL ay taliwas sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at 1996 Government of the Philippines-MNLF Final Peace Agreement.
Iginiit nina Murad at Sema sa kanilang pahayag na marapat lamang na tuluyan nang maipatupad ang 2014 CAB at 1995 Government of the Philippines-MNLF (FPA) oras na maisabatas ang orihinal na bersyon ng BBL.
By Meann Tanbio