Wala ni isa man sa mga evacuee ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos ianunsyo ng gobyerno ang pagpapatupad ng antigen test sa mga evacuee.
Tiniyak ni Vergeire na bibigyan ng priority sa posibleng COVID-19 infection ang mga nagpapakita ng mga sintomas.
Sinabi ni Vergeire na bukod sa testing, nagpakalat na rin ang Department of Health ng health emergency response teams sa mga lugar na apektado ng Bagyong Ulysses para sa COVID-19 surveillance gayundin ang pagbibigay ng medical, sanitation at mental/psychosocial support para sa mga evacuee.