Otomatiko nang walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Luzon matapos itong isailalim sa state of calamity ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon ito kay Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo kaya’t nangangahulugang nasa ilalim ng price freeze ang buong Luzon.
Sinabi ni Castelo na malinaw sa section 6 ng Republic Act No. 7581 o Price Act na maliban na lang na alisin ng pangulo ng bansa ang state of calamity, otomatikong iiral ang price freeze o walang ipatutupad na paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, mais, tinapay, fresh, dried at canned fish at iba pang marine products, karneng baboy, baka, itlog, gulay at iba pang commodity na tutukuyin ng DTI at Department of Agriculture.