Nag-sorry si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo sa pahayag nitong nakikisakay ito sa sa relief efforts ng gobyerno para sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
Inamin ni Panelo na maling impormasyon ang nakuha niya hinggil sa paggamit umano ni Robredo ng C130 plane para maghatid ng relief aid sa Catanduanes base na rin sa serye ng text messages sa pagitan ng dalawa pang opisyal ng gobyerno.
Ipinabatid ni Panelo na nagpadala na rin siya ng text message kay Robredo para humingi ng paumanhin sa kaniyang naging pahayag laban sa Bise Presidente.
Una nang itinanggi ni Robredo na sumakay siya sa C130 plane para maghatid ng tulong sa mga taga Catanduanes.