Naalarma ang ilang senior republicans sa naging hakbang ni US Incumbent President Donald Trump makaraang pauwiin nito ang kanilang mga sundalo na naka-deploy sa mga bansa sa Middle East gaya ng Afghanistan at Iraq.
Ito ang kinumpirma ng Department of Defense ng Estados Unidos, at anila, pababalikin na sa kanilang bansa ang aabot sa 5K tropa ng kanilang militar.
Kasunod nito, ani US Senate Majority Leader Mitch Mcconell, katakot-takot at tiyak na malaki ang pagkakamaling ginawa ni Trump.
Pagdiin pa ni Mcconell, binalaan na si Trump hinggil sa mga pagbabagong ginagawa nito hinggil sa kanilang depensa at isyu ng foreign policy.