Nanawagan ang isang mambabatas sa pamahalaan para sa agarang pagpapalabas o roll out ng COVID-19 vaccine plan’ oras na maging available na sa bansa ang bakuna.
Ayon kay Manila Congressman Benny Abante ngayon pa lang, ay dapat nang pasimulan ng pamahalaan ang konsultasyon sa mga health experts at LGUs para malaman kung ano-ano ang uunahin, ilang mga health workers ang gagamitin sa naturang programa, maging ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor o anumang organisasyon.
Rekomendasyon ni Abante sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at health department, agarang tukuyin ang mga lugar at sektor kung ano ang dapat unahin o iprayoridad na mabakunahan.
Pagdiiin pa ni Abante, hindi dapat patagalin ang pag-aksyon dito at dapat aniyang maging detalyado ang plano rito.
Iginiit ni Manila Congressman Abante, na mawawalang saysay ang pondo na inilaan sa bakuna kontra COVID-19, kung walang sistema at maayos na pagpapatupad nito.