Nagkaroon ng biglaang pagtaas sa mga inihahaing reklamo sa task force na nag-iimbestiga sa mga umano’y kurapsyon sa pamahalaan, ngayong linggo.
Ito ang inihayag ng Department of Justice (DOJ), ang ahensiyang nangunguna sa nabanggit na task force.
Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay – Villar, umaabot na sa mahigit 60 ang kabuuang bilang ng kanilang natanggap na reklamo.
Kabilang aniya rito ang mga reklamo laban sa Department of Public Works and Highways na karamihan ay may kaugnayan sa mga umano’y iregularidad sa construction projects sa mga lalawigan.
Sinabi ni Villar, kasalukuyang abala ang operation center secretariat ng task force sa proseso ng consolidation sa mga naturang reklamo.