Nakatakda nang ilabas ng Philippine National Police o PNP sa susunod na linggo ang listahan ng mga lugar na isasailalim sa areas of immediate concern o hotspots sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Ito’y ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez ay sa sandaling makumpleto na nila ang ulat ng intellegence group ng PNP para mapag-aralan ang mga lugar na mangangailangan ng karagdagang puwersa.
Gayunman, nilinaw ni Marquez na patuloy silang nakaalerto upang masiguro na ligtas at mapayapa ang paghahain ng kandidatura ng mga kakandidato sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong lingo.
Ginawa ni Marquez ang pahayag makaraang magpatawag ng command conference ang Commission on Elections upang matiyak na walang mangyayaring gulo partikular na sa mga lalawigan na itinuturing na mainit ang sitwasyon ng pulitika.
By Jaymark Dagala