Mahigit kalahati lamang ng mga proyekto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa flood control ang nakukumpleto batay ito sa 2019 audit report ng Commission on Audit (COA) sa MMDA.
Ayon sa COA, mababawasan sana ang mga pagbaha sa kalakhang Maynila kung natapos lamang ng MMDA sa itinakdang timetable ng kontrata ang naturang proyekto.
Sinabi ng COA, ilang mga proyekto rin ng MMDA ang hindi naipatupad dahil sa kakulangan ng tamang pagpaplano at coordination mechanism sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at stakeholders.
Umabot sa P1.1-B ang halaga ng flood control projects noong nakaraang taon pero batay sa report ng COA, 57 lamang sa 106 na mga proyekto ang natapos.