Nalampasan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang net worth ni DPWH Secretary Mark Villar noong isang taon.
Dahil dito si Cusi na ang itinuturing na pinakamayamang miyembro ng gabinete sa kauna-unahang pagkakataon simula nang maluklok sa kapangyarihan ang Duterte administration noong 2016.
Ayon sa record ng Malakaniyang naitala ang net worth ni Cusi sa P1.429-B noong 2019 na mas mataas sa P1. 407-B ni villar.
Malaking bahagi ng personal na yaman ni Cusi ang cash nito, placements, mga alahas, furniture at fixtures na nasa mahigit isang bilyong piso at mga investments sa pamamagitan gn shares of stocks na nasa mahigit P137-M.
Si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang ika-3 pinakamayang cabinet member na may net worth na halos P370-M, ika-4 si Transportation Secretary Arthur Tugade na halos may P311-M at ika-5 si PCOO Secretary Martin Andanar – mahigit P172-M.
Pasok sa 10 pinakamayamang miyembro ng gabinete sina dating Neda Director General Ernesto Pernia – mahigit P120-M, DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr. – halos P103-M, Chief Legal Presidential Legal Counsel Salvador Panelo – halos P78-M, Agriculture Secretary William Dar – halos P72-M at Executive Secretary Salvador Medialdea – halos P58-M.=
Itinuturing namang pinakamahirap na Cabinet Member si Agrarian Reform Secretary John Castriciones – P7-M samantalang hindi pa available ang kopya ng SALN nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. Tesda Chief Isidro Lapenia, Presidential Legislative Liason Office Chief Adelino Sitoy at Presidential Spokesman Harry Roque.