Ikinakasa na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang infrastructure commitments nito sa Taiheiyo Cement Group para masuportahan ang demand sa pabahay sa bansa, commercial at infrastructure development sector lalo na sa pinalawak na Build, Build, Build program.
Ang kasunduan, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez ay bahagi ng letter of intent na nilagdaan ng DTI at Taiheiyo para pataasin ang production capability ng kumpanya kabilang ang pagpapalawak sa shipping bases nito mula sa Cebu patungo sa ibang lugar tulad sa Luzon, Iloilo at Davao.
Committed din ang Taiheiyo na mapalawak ang logistics at maging environmental protection programs sa pamamagitan ng paglalagay ng 2km marine belt conveyor , expansion ng berth at jetty sa San Fernando, Cebu at pag-adopt ng energy efficient production processes.
Binigyang diin ni Lopez na ang bagong Traiheiyo cement expansion project ay isang strategic investment hindi lamang sa Build, Build, Build program kundi sa pananaw na makaagapay sa demand ng economic recovery ng bansa na tinataya ng world bank at international monetary fund na aabot sa 6.2 hanggang 6.8% sa 2021.