Hiniling ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa pamahalaan na pansamantala munang ihinto ang lahat ng lisensyadong mining activities sa buong lalawigan.
Sa ipinadalang sulat ni Rizal Governor Rebecca Ynares kina Pangulong Rodrigo Duterte at Environment Secretary Roy Cimatu, sinabi nito nais niya kanselahin at ipatigil ang mga ang pagmimina na itituturong naging sanhi ng labis na paglubog ng ilang mga lugar sa Rizal dahil sa pananalasa ng bagyo.
Mababatid na nauna nang hiniling ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapatigil sa mga mining activities noong 2009 nang manalasa ang bagyong Ondoy.
Kasunod nito, sa ginawang pag-aaral ng environment department noong manalasa ang bagyong Ondoy, sinasabi nito na hindi pagmimina o mining ang dahilan ng pagbaha.