Umakyat na sa 891,475 mula sa walong rehiyon sa Luzon ang mga pamilyang apektado ng bagyong Ulysses.
Ang naitalang bilang ay mas tumaas sa dating 835,599 na mga pamilya na nai-report noong Huwebes. Nobyembre 19.
Sa pinakahuling tala ng National Risk Reduction anfd Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng nasa 3,672,521 na mga indibidwal sa 6,169 na mga barangay sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, National Capital Region (NCR) and the Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang nasa P4.2-B ang naitalang nasira sa agrikultura sa mga Rehiyon ng 1,2,3, CALABARZON, 5, CAR, at NCR.
Samantalang nasa P6-B naman ang naitalang pinasala sa imprastruktura sa mga Rehiyon ng 1,2,3, CALABARZON, 5, CAR, at NCR.