Nag-alok ng mas abot-kayang swab testing ang Makati City government para sa mga residente, establisimyento at pribadong kompanya sa lungsod.
Sa isang post sa social media, binanggit ng lokal na pamahalaan na ang kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests ay nagkakahalaga na lamang ng P2,95 na naglalaro mula sa P4,500 hanggang P8,000 sa mga pribadong klinika at ospital sa Metro Manila.
Naniniwala ang Makati LGU na sa pamamagitan nito ay mas marami pang residente at empleyado ang magpapasailalim sa mas mabilis na COVID-19 tests.