Pinapurihan ng Department of Health (DOH) ang ginawang hakbang ng pamahalaang lungsod ng Marikina.
Ito’y dahil sa maagap na pagtugon nito sa mga naitalang COVID-19 infections sa mga evacuation center sa kanilang lungsod.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, good practice na masasabi ang naging hakbang ng Marikina LGU dahil agad inihiwalay ang mga pasyente at isinailalim sa swab test.
Nagnegatibo sa isinagawang contact tracing ang 17 closed contacts ng unang nagpositibo sa virus subalit naka-quarantine pa rin ang mga ito.
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na nakikipag – ugnayan na sila kay Mayor Marcy Teodoro para sa karagdagang tulong na kailangan nito sa pagsugpo sa COVID-19.