Ganap nang tinapos ng Senado ang debate para sa panukalang P4.5-B pambansang pondo sa susunod na taon.
Kasunod nito, nagpasalamat si Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara sa kaniyang mga kasamahan sa pagsunod sa timetable kahit inabot na sila ng hatinggabi.
Pinaalalahanan din ni Angara ang mga kapwa senador nito na isumite ang kanilang mga proposed amendments sa budget bill hanggang linggo ng gabi.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang nasabing panukala sa lunes o martes ng susunod na linggo.