Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may pondo ito sakaling maging available na ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang pahayag ay ginawa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isinagawang Laging Handa public briefing.
Paliwanag ni Vergeire, siniguro din sa kanila ng Kongreso na bibigyan sila nito ng karagdagang pondo para sa COVID-19 vaccine.
Sa pagtaya ng opisyal, nasa P3 billion ang makukuha nilang pondo na pambili ng 22 million doses na sinasabing sapat naman para sa 22 million population.