Nabunyag na nagpositibo sa COVID-19 ang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si Isidro Lapeña.
Sa isang pahayag, binanggit ni TESDA information chief Gerty Pagaran na ngayonlamang lumabas ang PCR result ni Lapeña.
Sinasabing nagpasailalim sa test si Lapeña bilang requirement para sa kanyang biyahe patungong Mindanao.
Nilinaw naman ng kampo ni Lapeña na wala itong nararamdamang kahit anong sintomas ng sakit pero kasalukuyan na itong naka-quarantine.