Sa kabila ng pagababa na ng libel ng tubig, hindi parin maaring isara ang rubber gate Bustos dam dahil sa mga nakaharang na mga troso at sanga ng puno na inanod patungo sa dam matapos ang pananalasa ni bagyong Ulysses.
Ayon sa water control coordination unit, hinihinala nilang mayroong nangyayaring illegal logging sa mga bundok na malapit sa dam.
Nahihirapan naman ang pamunuan ng Bustos dam na alisin ang mga nakaharang na sanga ng puno at mga troso dahil sa iniiwasang masira ang rubber gate ng dike.
Dahil dito, posibleng abutin umano ng ilang linggo ang isinasagawang clearing operations ng dam management.