Muling binigyan ng pagkilala ng Guinness World of Records ang Filipino sports legend na si Paeng Nepomuceno.
Ito ay para sa kategoryang “the most career tenpin titles” matapos umabot sa 133 ang kanyang naitalang panalo.
Nadagdagan ang record ni Paeng kasunod ng kanyang pagkakawagi sa Playdium Tenin Bowling Association Mixed Open na ginanap noong Hulyo sa Quezon City.
Maliban dito, itinuturing din si Nepomuceno bilang pinakamatandang masters champion ng naturang bowling tournament sa edad na 62.
Unang binigyan ng pagkilala ng Guinness si Nepomuceno noong nanalo ito sa South Pacific Classic Tournament sa Melbourne noong September 2007 bilang kanyang ika-118 titulo.
Sinundan naman ito ng makuha ni Nepomuceno ang kanyang ika-24 na titulo matapos magwagi sa ABC-Boysen Open noong March 2012.