Nagpalabas ng emergency used authorization ang US Food and Drug Administration para sa COVID-19 antibody therapy ng Regeneron Pharmaceutical Incorporated.
Ito ang experimental treatment na ibinigay kay US President Donald Trump na kanyang sinabi na malaki ang naitulong sa kanya para gumaling mula sa COVID-19.
Ayon sa US FDA, maaaring ibigay ng sabay-sabay ang monoclonal antibodies, casirivimab at imdevimab bilang gamot sa mild hanggang moderate na kaso ng COVID-19 sa mga adults at batang pasyente.
Samantala, hindi namana niya maaaring ibigay ang mga naturang antibodies sa mga pasyenteng na-ospital na dahil sa COVID-19 o nangangailangan na ng oxygen therapy.