Nakapagpalabas na ng P1.5-milyong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya, mula ang nasabing pondo sa Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO) at notice of cash allocation .
Ilan sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyo na nakinabang sa nasabing pondo ang CALABARZON, MIMAROPA at Cagayan Valley.
Kasalukuyang nakapailalim sa state of calamity ang buong isla ng salig sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sunud-sunod na pagtama ng mga kalamidad.