Pinabulaanan ng Tarlac government na nagkaroon ng 211 na bagong coronavirus infections sa probinsya na unang inanunsiyo ng Department of Health (DOH).
Sa isang post sa Facebook post, nilinaw ng pamahalaang panlalawigan na 19 lamang ang naitalang bagong impeksiyon sa kanilang lalawigan na taliwas sa case bulletin ng DOH noong Sabado.
Kasalukuyan na umanong inaayos ng DOH central office ang datos na sinasabing nagdulot ng pangamba sa mga Tarlaqueños.
Wala pang opisyal na pahayag ang DOH ukol sa naturang usapin.