Dapat tukuyin na ng gobyerno ang mga partikular na sektor na makikinabang o bibigyan ng COVID-19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Vice President Leni Robredo matapos mapaulat na malapit na itong mapasakamay ng gobyerno.
Ayon kay Robredo, mahalagang magkaroon na ng listahan ng mga health care workers o mga recipients ng bakuna na bibilhin ng pamahalaan.
Matatandaang ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magkakaroon ng access ang Pilipinas sa coronavirus vaccine ng Estados Unidos makaraang inanunsiyo ng Moderna at Pfizer na epektibo ang kanilang mga produkto.