Under control ang sitwasyon sa Baguio City sa kabila nang umano’y patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque lalo’t magaling ang contact tracing sa Baguio City at sapat ang critical care capacity sa ngayon sa lungsod.
Sinabi ni Roque na ang mataas na kaso ng COVID-19 sa Benguet ay maaaring nakadagdag sa bilang ng kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa Baguio City kung saan mayor si Benjamin Magalong — ang itinalagang contact tracing czar.