Nagpapasaklolo na sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng Maguindanao Massacre para makuha ang danyos matapos mahatulang guilty ang mga akusado sa kaso.
Kasunod na rin ito sa paggunita sa ika-11 taon ng Maguindanao massacre ngayong araw na ito kung saan halos 70 ang nasawi kabilang ang maraming media men.
Sinabi ng pamilya ng mga biktima ng massacre na pagod na silang magtiis pa ng dagdag na 10 taon para makuha ang moral damages na ipinasiya ng korte para sa kanila.
Inamin ng pamilya ng mga biktima na kung alam lamang nilang tatagal ang proseso sa pagbibigay ng moral damages sa kanila, noon pa sana ay tinanggap na nila ang alok na pera sa kanila.