Pinayuhan ng Department Of Health ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na magkaroon ng healthy lifestyle at umiwas sa bisyo, habang ito’y mga bata pa.
Lumalabas kasi sa pag-aaral na mataas ang porsiyento ng mga kabataang nalululong sa bisyo nang maaga, na nagkakaroon ng sakit pagtanda.
Ayon sa DOH, maraming mga kaso ng pagbibisyo ang nagsisimula sa pagkabata, kaya nahihirapan silang itigil na ito pagtanda.
Kabilang sa mga sakit na nakukuha sa bisyo ay cancer, cardiovascular diseases, chronic respiratory diseases, at diabetes.
Base rin sa pag-aaral ng DOH, 1 sa bawat 10 bata na may edad na 14 na taong gulang ay nakatikim na ng droga.
Kaya payo ng DOH sa mga magulang, panatilihin ang maayos na komunikasyon sa mga anak, at tiyaking laging masustansya ang kanilang mga kinakain